Ano ba ang alaga para satin? Eto ba ung mga hayop na pinagmamalupitan natin? baka hindi natin napapansin nakakasakit na pala tayo ng alaga natin. Pano kaya kung wala ng hayop sa mundo ano kayang epekto bito sa mga tao? Wala na tayong kakarnehin, wala na tayong pagmamalupitan. Ang mga hayop ay pagbalanse din ng ating kapaligiran.
May napanuod nga ako tungkol sa bentahan ng tuko. ginagawa silang gamot sa "AIDS". wala pang nagpatunay kung nakakagaling nga ito wag natin gawing gamot ang hayop may buhay din sila. Meron namang mga halama dyan na puwedeng gawing gamot bakit hndi nalang iyon ang pag ekspirementuhan.
Galangin ang gawa ng diyos wag hayaang maubos ang biyaya na ibinigay ng may kapal wag gawing palamuti ang mga ito. Tandaan mo may buhay din sila. Ikaw kaya ang idisplay ko matutuwa ka ba?
Wag natin hayaan na pagmalupitan ang ating mga alaga bagkos ibigay sa kanila ang ating pagmamahal tulad ng pagmamahal nila para sa atin. Nakikita mo ba ang alaga mong aso? Sa tuwing ikaw ay dumadating ang buntot nya ay kumakawag. Ito ay paraan ng aso upang ipadama na masaya sya na makita ka nya. Tulad din ng aso meron din dyang pusa at kung anu-ano pang alagang hayop. Wag natin silang pagmalupitan iwasan manakit ng alaga baka bandang huli ikaw din ang kawawa.